July 30th, 2011
COLLIDE, love story nga ba?

Maaga akong gumising dahil sa meron pa akong swimming competition na sasalihan. ETON nga pala ang name ko, isang 2nd year engineering college student sa isang sikat na unibersidad sa Katipunan. Kasama ko na si coach ng pumunta kami sa host school para sa swimming competition.

Nandun na din si KRISTINE, yung pinakamamahal ko. Ito din ang araw ng 6th monthsary naming. Ganda talaga ng baby ko, sa smile pa lang niya kinikilig na ako. At nung sinagot nga niya ako, ginawan ko siya ng video sa Youtube. At sa lahat ng babaeng niligawan ko siya lang ang bumago sa buhay ko, aaminin ko dati hindi ako matino lalo na sa pag-ibig kasi para sa akin lahat ng bagay may expiration date, madali kasi akong mag-sawa.
 Natapos ang competition, ayun sa unang pagkakataon nanalo ako, ang swerte ng buhay ko. “KRISTINE, Alam mo ba ikaw talaga ang lucky charm ng buhay ko, dahil sa iyo nabali lahat ng aking  mga paniniwala dati, dahil sa iyo naging matamis ang buhay ko” sambit ko sa kanya habang yakap ko siya ng mahigpit. Hala, iba na talaga ang taong ito sa akin, ngayon gusto ko na siyang pakasalan, siya na talaga ang gusto ko makasama habang buhay, siya ang nilalaman ng puso ko.  
Nag date kami, kumain, naglibot at pumunta sa sea side ng MOA. Magkahawak ang aming mga kamay, habang minamasdan ang paglubog ng araw, ang corny diba, parang sa mga movie mo lang nakikita, pero ito ako inlove na inlove kay Kristine. Sana ganito na lang lagi, lahat ng ninanais mo napapasayo, ang swerte ko talaga kay kupido, talagang tama ang pana niya sa akin at sa mahal ko.
Lumipas pa ang mga araw na palagi akong sinuswerte sa buhay at sa pagibig. Dumating pa nga sa point na kung ano ang aming mga gagawin ay ginagawa naming ng sabay. Kahit sa phone lang kami naguusap pero parang kasama ko pa rin siya sa bahay. Sabay kaming maligo, tapos ititext pa niya ako na “uy nagtotoothbrush na ako, magtoothbrush ka na” o yung simpleng “maglinis ka na ng tenga”. Lahat ng yung sabay naming ginagawa, kaya lalo akong nainlove sa kanya. Siya lang din ang taong kahit di ko pa GF ay umutot na sa harap ko, diba, masasabi mong lahat ng imperfection nasa kanya pero kahit ganun para sa akin siya ay isang perfect.
3 days na lang at 9th monthsary na naming going strong pa rin. Iba na talaga pag kayo ng tadhana mo, kahit ilang beses kayong mag katampuhan sa huli, may “I love you babe” pa rin. Sinundo ko siya sa school niya sa Espanya, kahit na baha dun lagi at nanood kami ng sine sa Trinoma, napapansin ko na medyo masakitin ang mahal ko, siguro dulot na din ng pabago bagong panahon, badtrip ka talaga, bakit sa mahal ko pa. Alam ninyo yung feeling na awang-awa ako sa kanya sa tuwing nahihirapan siyang huminga dahil sa sipon, parang gusto kong kunin ang sakit niya at ako na lang ang magsasakripisyo huwag lang mahirapan ang pinakamamahal ko. Kung sino ka mang “sakit” ka wag na sa mahal ko kahit kay ETON na lang.
Ang lakas ng ulan ng hinatid ko siya sa bahay nila, doon muna ako nagpalipas ng oras habang hinihintay na tumila ang ulan. Habang siya ay tinulungan ang Nanay niya sa paghahanda ng hapunan, doon ako sa kwarto syempre lahat ng pictures ko andun, parang museum nga nge mula sa una kong love letter, picture, kiss at yung binigay kong collector’s item na lumang damit ko naka frame pa, punong puno n good at bad moments ang kwarto niya. Hanggang sa may akita akong medical record na galling sa isang doctor.
Habang binabasa ko ang nilalaman ng medical record na yun ay siya din namang tulo ng luha ko…
(Itutuloy)